9
views
dengvaxia-kids
By

150 nurse ikakalat para tutukan ang mga naturukan ng Dengvaxia – DOH

Sharing is caring!

Magtatalaga ang Department of Health (DOH) ng 150 nurse sa Central Luzon, Calabarzon, Metro Manila at Central Visayas para tutukan ang kalagayan ng mga batang naturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sinabi ni DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo na inaprubahan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang ipapakalat na mga nurse sa nasabing mga rehiyon.

Pero madaragdagan pa umano ang nasabing bilang sa oras na maaprubahan ng Kamara de Representantes ang hiling ng kagawaran na gamitin ang P1.16 billion na isinauli ng Sanofi Pasteur sa gobyerno para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia.

Aniya, sa kabuuan ay 500 nurse ang plano nilang ipakalat sa buong bansa para tutukan ang kalagayan ng mga naturukan ng anti-dengue vaccine.

Ang nalalabing 350 ay nakadepende pa sa magiging tugon ng Kongreso sa kahilingan ng kagawaran.

“[Y]ung additional na 350 hinihintay pa namin yung P1.16 Billion kasi medyo malaki. Yung suweldo nila parang regular ng deployment programs natin. And we’re going to use yung… Yung suweldo nun manggagaling sa reimburse ng Sanofi for the unused vaccines,” paliwanag ni Domingo.

Batay sa Dengue Adverse Events Surveillance ng Department of Health (DOH), kabuuang 3,281 na nga Dengue vaccinee ang naospital sa mga pampubliko at pribadong pagamutan mula March 2016 hanggang March 2018.

Mula sa nasabing bilang, 1,967 ang nagkasakit ng dengue at ito ay nakumpirma sa pamamagitan ng clinical at serological tests.

Anim na pu’t lima naman ang namatay at ang mga kasong ito ay iniimbestigahan na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?