125
sunog41
Jul 21, 2019 @ 14:30
By

150 kabahayan naabo sa Lapu-Lapu City

Umaabot sa 150 kabahayan ang naabo makaraang sumiklab ang apoy sa Sitio Tacan, Barangay Ibo, Lapu-Lapu City, Cebu, Linggo ng madaling araw.

Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog at itinaas sa Task Force Bravo alarm bago maapula ang sunog.

Tinatayang nasa P400,000 halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.

Samantala, isang ginang ang hinuli ng mga tauhan ng Lapu-Lapu City Fire Department matapos pagbabatuhin ang mga bumbero.

Ayon kay SF01 Hadji Samonte, imbestigador, naiintindihan nila ang babae na nasusunugan subalit kailangang unahin ang mas malaking sunog at hindi kailangang manakit ng kapwa dahil nagtatrabaho sila.

Kasalukuyang nanunuluyan ang mga naapektuhan ng sunog sa Ibo Elementary School.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?