30

Jan 5, 2022 @ 17:28
By

15 tauhan ng vaccine czar positibo sa COVID

Tinamaan ng COVID-19 ang 15 tauhan ng National Task Force Against COVID-19 kaya kinakailangang mag-isolate si vaccine czar Carlito Galvez.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi personal na nakadalo si Galvez dahil sa exposure nito sa kanyang mga tauhan.

Kinakailangan aniyang manatili ito sa isolation hanggat hindi ito naeeksamin para hindi makompromiso ang ibang mga kasamahan.

“Pasensiya na po, sir, hindi ako nakadating po ngayon dahil kasi dalawang beses po ako na-expose kaninang umaga sa aking mga kasamahan sa aking opisina dahil kasi 15 ang naging positive sa amin pong opisina ngayong araw,” ani Galvez.

Maging si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay na-expose din sa apat na kasamahan sa bahay na nagpositibo sa COVID-19 kaya kinailangan nitong mag-isolate.

Na-expose rin si Health Secretary Duque sa kanyang staff na may COVID -19 kaya naka-isolate ito ngayon at hinihintay ang resulta ng kanyang RT-PCR test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?