70

Oct 17, 2017 @ 13:29

15 suspek sa Castillo hazing-slay pinasisipot sa Senado

Pinahaharap sa pagdinig ng Senado bukas (Miyerkules) ang 15 itinurong responsable sa pagkasawi sa fraternity hazing rites ng dating estudyante ng University of Sto. Tomas na si Horacio “Atio” Castillo III.

Inisyuhan ang mga ito ng subpoena ng Senado kaya maaring ma-contempt at ipadakip kapag hindi sumipot sa pagdinig ng Senate Commitee on Public Order and Dangerous Drugs.

Pinadalhan ng subpoena si John Paul Solano, ang kasamang naghatid kay Castillo sa ospital buhat sa fraternity house sa Dapitan, Maynila.

Tumestigo na ito sa public hearing at executive session ng Senado subalit hindi pa tinupad ang pangako na magsusumite ng sinumpaang salaysay kaya pinababalik.

Kabilang din sa pinasisipot si Ralph Trangia, myembro ng Aegis Juris Fraternity, na umano ay naghatid din sa ospital kay Castillo gamit ang sasakyan ng kaniyang pamilya.

Nagpunta ito sa Estados Unidos kasama ng ina noong Setyembre 19, isang araw bago isailalim ang mga suspek sa hazing sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration. BUmalik naman ito noong nakaraang linggo.

Ang iba pang ipinatawag ay sina:
Arvin Balag
Aeron Salientes
Mhin Wei Chan
Mark Anthony Ventura
Oliver John Audrey Onofre
Ranie Rafael Santiago
Zimon Padro
Joshua Joriel Macabali
Karl Matthew Villanueva
Jose Miguel Salamat
Danielle Hans Matthew Rodrigo
Axel Munro Hipe
Marcelino Bagtang

Ang mga nabanggit ay nahaharap sa kasong pagpaslang, robbery at paglabag sa Anti-Hazing Law.

Sa pagdinig bukas, kung walang isusumiteng sinumapaang salaysay si Solano, isasapubliko ang transcript ng mga isinalaysay nito sa executive session ng senado kung saan nagbigay umano ito ng pangalan ng pitong pangalan tao na may nalalaman sa nangyari kay Atio. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?