23

Dec 28, 2017 @ 14:16

15-puntos na abante ng Knicks, burado sa Bulls

Binura ng Chicago Bulls ang 15 puntos na kalamangan ng New York Knicks sa unang bahagi ng laro at natangay ang 92-87 win nitong Miyerkules (Huwebes, Manila time).

Umiskor ng 17 puntos si Kris Dunn, kabilang ang dalawang free throws sa huling segundo.

Naiiwan ng 15 puntos ang Bulls sa first half pero pinatahimik ang Knicks na may tatlong puntos lang sa huling limang minuto ng laro.

Naipasok ni Justin Holiday ang tatlo sa sampung 3-pointers ng Bulls.

Pinangunahan naman ni Kristaps Porzingis ang Knicks sa 23 points at Courtney Lee sa 17.

Laglag sa tatlong semplang ang New York.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?