41

Jan 6, 2022 @ 13:53
By

15 PSG member positibo sa Covid 19

Tinamaan ng COVID-19 ang labinlimang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Kinumpirma ito mismo ni PSG Commander Col. Randolf Cabangbang sa kabila ng matinding paghihigpit para sa kaligtasan ng mga nagbabantay sa Malacañang.

Sinabi ng opisyal na ang 15 PSG personnel na nagpositibo sa COVID-19 ay galing sa kanilang holiday break at pagbalik sa trabaho ay isinailalim sa COVID-test.

“Galing sa break, walang close contact sa Presidente,” ani Cabangbang.

Tiniyak ng PSG Chief na walang close contact ang mga nagpositibong PSG personnel kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya walang peligro sa kalusugan ng Presidente.

Binigyang-diin ni Cabangbang na bakunado lahat ang 15 PSG personnel na nagpositibo sa COVID test at wala ring sintomas ang mga ito.

Naka-isolate na aniya ang mga ito para hindi makahawa ng iba pang mga kasamahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?