476

Jan 7, 2022 @ 18:38
By

15 Pinoy nakakulong sa France

Humingi ang Marino party-list ng tulong sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng 15 Filipino seafarer na nakakulong ngayon sa France.

Ayon kay Rep. Sandro Gonzalez nakarating sa Marino Action Center ang kaso ng 15 Pinoy crew ng M/V Trudy na inaresto noong Oktobre 1, 2021 matapos na may makuha umanong cocaine sa kanilang barko.

Sinabi ni Gonzalez na mayroong nakarating na impormasyon sa kanya na nakararanas ng pisikal na harassment ang mga Pinoy crew bagamat hindi niya ito maberepika kung totoo kaya nanawagan ng tulong ng gobyerno.

“If the information will be confirmed to be true, please make the appropriate action so that the detained Filipino seafarers are immediately released and brought home to their respective families,” sabi ni Gonzalez.

Sumulat si Gonzalez ngayong Biyernes kina DOLE Sec. Silvestre Bello III at DFA Sec. Teodoro Locsin kaugnay ng kaso ng mga Pinoy.

Ayon kay Gonzalez ilan sa mga nakakulong ay uuwi na sana sa Pilipinas noong Oktobre 3 o dalawang araw matapos ang isinagawang inspeksyon kung kailan umano nakuha ang cocaine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,