48
ABANTE LAPTOP STEAL SECURITY GUARD
By

15 laptop ng DTI, tinangay ng empleyado

Pinaghahanap na ang isang kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos nitong nakawin ang may 15 na mamahaling laptop ng ahensiya.

Ayon sa ulat, Hulyo 15, 2019, dumulog sa Makati City Police ang isang Marissa Rubio, information analyst ng DTI, at ini-report ang 15 mamahaling laptop na umano’y ninakaw ng isa nilang empleyado na si Prudencio Moralda.

Ito’y matapos na matuklasan sa isinagawang imbentaryo na nawawala ang mga laptop.

Nadiskubre sa CCTV footage ang paglabas ng suspek sa opisina nila tangay ang mga nawawalang laptop.

Nabatid na isinangla ni Moralba sa PTS Pawnshop sa Barangay Guadalupe ang mga laptop sa halagang P229,500.

Bunsod nito nagpadala ng sulat ang Makati Police noong Agosto 6 sa pamunuan ng pawnshop at ipinasosoli ang mga nakaw na laptop.

Nang araw ding nabanggit ay nagsagawa ng pagbisita sa bahay sanglaan sa pangunguna ni Police Maj. Gideon Ines, deputy for operation ng Makati City Police, at natagpuan ang mga nasabing laptop na nakatago sa ikalawang palapag ng pawnshop kung saan pinayuhan ang may-ari na isoli ang mga ito sa DTI.

Naibalik na sa DTI ang mga laptop.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?