175

May 25, 2021 @ 13:00
By

15 lalaki sa Malabon, nagsisisi kahit malaki ang ari

Lalong lumaki ang problema ng 15 lalaki sa Malabon matapos magturok ng petroleum jelly sa kanilang ari upang mapalaki ito.

Bagamat nagresulta nga sa paglaki ng kanilang ari ang petroleum jelly, kalaunan ay nagdulot ito ng pangangati, pagkirot, pamamaga at pagkakaroon ng bukol.

Laking pagsisisi ang nararamdaman ng mga lalaki, lalo na’t maaaring abutin ng P100,000 ang magagastos kung ipapatanggal nila ang petroleum jelly.

Paggawa ng lambat umano ang pinagkakakitaan ng 15 lalaki, at isang kapitan ng bangka ang naka-impluwensya sa kanila na magturok ng petroleum jelly upang magkaroon ng malaking ari.

Sila-sila rin mismo ang bumili ng hiringgilya upang maiturok ang petroleum jelly na tinunaw sa mainit na tubig.

Tinagurian pa nga silang ‘Big 15’ sa kanilang lugar dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?