13

Jul 15, 2021 @ 18:51
By

15 katao tiklo sa sugal sa Tarlac

Nagsagawa ang pulisya ng tatlong magkakahiwalay na anti-gambling operation sa Tarlac kamakailan kung saan naaresto ang 15 katao.

Sa pahayag ni Tarlac Police Director Col. Renante Cabico, ang mga naaresto ay huli sa aktong nagbabaraha, nagsasabong at nagmamahjong.

Noong Hulyo 12 ay naaresto sa Barangay Cacamilingan sa Camiling ang dalawang lalaki at isang babae na naabutang naglalaro ng tong-its, kung saan nakumpiska ang P200 na pusta.

Sa Barangay Sta. Maria naman sa parehong bayan at noong Hulyo 12 din nadakip ang tatlong lalaki na nagsasabong. Kinumpiska sa kanila ang P1,650 pusta at ang tatlong manok na panabong.

Nadakip naman ang anim na lalaki at tatlong babae sa Barangay Naya sa bayan ng Pura matapos mahuling naglalaro ng mahjong.

Nahaharap ang mga naaresto sa kasong illegal gambling

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?