202

Dec 7, 2017 @ 21:18
By

15 estudyante laglag sa marijuana

Selda ang kinabagsaksan ng 15 estudyate at isang driver matapos mahulihan ng marijuana habang sakay ng isang van sa Sabangan, Mountain Province.

Kinilala ang driver at may-ari ng van na sinakyan ng mga estudyante na si Bayani Malang, 54, ng Tondo, Maynila.

Sa report ng Sabangan Municipal Police, ang 15 dinakip na estudyante ay pawang mga residente ng Metro Manila partikular sa Tondo, Montalban Rizal, at Quezon City.

Nabatid na nakatanggap ng report ang pulisya na may puting van mula sa Tinglayan, Kalinga na patungo sa Baguio City ang naglalaman ng marijuana kaya nagsagawa ng checkpoint sa national road ng Sitio Todey, Poblacion, Sabangan, Mt. Province.

Sa isinagawang visual search, dito na natuklasan na may sakay na 50 gramo ng shabu na nakalagay sa isang malaking plastic sachet, isang bag na naglalaman ng 56 marijuana bricks, apat na bundle ng marijuana stalks at isang sachet ng nadurog na dahon ng marijuana.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng korte ang mga suspek na pawang nasa legal age habang ang mga menor de edad ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?