26

Jan 23, 2021 @ 13:15
By

15 empleyado sapul ng COVID-19 sa Boracay

Naitala sa isla ng Boracay ang pinakamataas na bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng isang araw matapos makumpirma na lima sa mga empleyado ng isang hotel ang tinamaan ng virus.

Sambit ni Dr. Cornelio Cuatchon Jr. ng Provincial Health Office (PHO) – Aklan, bahagi ito ng kanilang isinasagawang dalawang araw na mass testing sa naturang isla.

Aniya, mahigit 400 na ang sumailalim sa swab test.

Lumabas ang mga resulta ng swab test kahapon at napag-alaman na 15 katao ang nagpositibo sa COVID-19.

Kaugnay nito, pansamantalang suspendido ang operasyon ng hotel na pinagtatrabahuhan ng mga nagpositibong pasyente.

Nagkasa na rin sila ng contact tracing at mga pag-ulit ng swab test sa iba pang empleyado ng naturang hotel.

Kasalukuyan namang nakaantabay ang PHO sa 60 mga swab test result.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?