26

Dec 2, 2021 @ 13:27
By

15 anyos namaril sa paaralan; 4 dedo, 7 sugatan

Nasawi ang apat na estudyante habang sugatan ang anim na iba pa at isang guro sa pamamaril sa isang high school sa Michigan, United States.

Nagpaputok ng 30 beses ang isang 15 taong gulang gamit ang nine millimeter Sig Sauer pistol na binili umano ng kaniyang ama para sa Thanksgiving day.

Nagkagulo naman ang halos 1,800 estudyante.

Sumuko rin umano ang suspek sa mga pulisya.

Ayon sa Oakland County Prosecutor, kakasuhan ang suspek ng terorismo na nagdulot ng kamatayan at four counts ng first-degree murder. Kakasuhan din ito ng seven counts ng assault with intent to murder at 12 counts ng possession of a firearm.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaril ng suspek. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?