90

Nov 10, 2021 @ 15:20
By

15-anyos na dalagita ginahasa, pinatay sa Batangas

Inutusan ni National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga awtoridad sa Laurel, Batangas, na tiyakin ang isang airtight case laban sa mga nasa likod ng panggagahasa at pagpatay sa isang 15-anyos na batang babae.

“Titiyakin ng PNP na airtight ang kaso para siguradong mapanagot sa batas ang salarin sa karumal-dumal na krimen na ito,” sabi ni Eleazar.

Batay sa mga ulat, natagpuan ang bangkay ng dalaga sa Brgy. Sta. Maria noong Lunes ng gabi, ilang oras pagkatapos niyang pumunta sa bahay ng kaklase upang magsagot ng module.

Nag-alala ang pamilya ng biktima at hinanap siya, hanggang sa matagpuan sa kagubatan ang kanyang hubo’t hubad na bangkay, natatakpan ang mukha ng kanyang sariling damit, at katabi ang module nito.

Natagpuan ng lokal na pulisya ang mga indikasyon na siya ay ginahasa at sinakal hanggang sa mamatay.

“Ako ay nakikiramay sa pamilya ng dalagita na malayo pa sana ang mararating sa buhay. I have ordered the Laurel Municipal Police Station to leave no stone unturned in gathering evidence to the crime to make sure they get the real perpetrator or perpetrators,” saad ni Eleazar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?