25

By

15-17 sports nakalatag sa Para Games

Lahok ang mga opisyales ng ASEAN Para Games bilang kabahagi ng istruktura ng bubuuin na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na mamando sa hosting ng 2019 Southeast Asian Games.

Ito ang sinabi ni PHILSPADA at Asean Para Games Chairman Mike Barredo sa pulong sa mga opisyales partikular kay Games’ Organizing Chairman Secretary Alan Peter Cayetano.

Dalawang beses na nakipag-usap si Barredo kay Cayetano kung saan isinumite ang kailangang venue specifications para sa pagsabak ng differently abled athletes ay maisama ang pagiging accessible ng mga pasilidad bago ang konstruksiyon ng SEA Games venues sa mga lalahok sa Para Games.

Inihayag din ni Barredo ang kanilang naging paraan ng kanilang pagpili sa mga paglalabanang sports at events sa Para Games kung saan may 15-17 sports ang inisyal nitong listahan para maisama sa medalyang paglalabanan sa torneo.

Kabilang sa listahan ay ang athletics, swimming, powerlifting, chess, tenpin bowling, wheelchair basketball, futsal, goal ball, sitting volleyball, archery, badminton, table tennis, cycling, bocchia at para triathlon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?