28

Dec 19, 2017 @ 13:56

14th straight win ng Rockets itinarak sa Jazz

Nagbigay ng kalakasan na 17 puntos sa fourth quarter sa kabuuan niyang season-high 33 points si Eric Gordon para maitakbo ng Houston Rockets ang 14th straight win, 120-99, kontra Utah Jazz.

Ginamit ng Houston ang 15-0 run sa kaagahan ng fourth para makuha ang kalamangan at umabante pa rin ng apat sa kalahatian ng laro sa layup ni Joe Ingles.

Nakabuslo ng 11 puntos na sunod-sunod ang Rockets na kinabibilangan ng dalawang 3-points shot ni Gordon para maipako ang 111-96 iskor tatlong minuto ang nalalabi.

Nagdagdag ng 26 points si James Harden habang may 24 puntos at 20 rebounds si Clint Capela para sa Houston.

Pitong season-high na 3-pointers ang pinakawalan ni Gordon.

Nahirapan sa malayong tira ang Rockets sa umpisa ng laro kung saan siyam lang sa 31 na ipinukol nilang 3-pointers ang pumasok sa una at ikatlong quarter ngunit bumawi sila sa final period na naibuslo nila ang walo sa 12 na 3-point shots, lima rito ay galing kay Gordon.

Samantala, ito na ang anim na talo sa pitong huling laro ng Jazz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?