4

Nov 28, 2020 @ 9:34
By

14M iligal na droga sinunog sa Davao

Sinilaban ang aabot sa P14M halaga ng iligal na droga ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Police Regional Office sa Region 11, nitong Huwebes sa Camp Sergeant Quintin Merecido sa Davao City

Sa pahayag ng PRO-11, inulat na kasama sa mga sinunog ang 716 gramo ng shabu, 27,393 gramo ng marijuana, 51 pirao ng marijuana plant, 4.9 gramo ng Ephedrine at 16 gramo ng cocaine.

Ang naturang pagsira ng bawal na gamot ay kasabay ng Drug Abuse and Prevention Control Week 2020 na may tmang ‘Better Knowledge for Better Care’.

“The fight against drugs is one we cannot fight on our own, But when we are committed to working together, we can bring it down to its knees and create a truly drug-free Philippines,” ani Davao City Mayor Sara Duterte na binasa ni Davao City police chief Col. Kirby John Kraft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?