170

Aug 21, 2019 @ 14:59
By

14K sasakyan ng Honda, ni-recall dahil sa problema sa airbag

Lampas 14,000 units ng Honda ang kasalukuyang pinapabalik para mapalitan ang mga airbag.

Ayon kay Vicenta Balarbar, administration division head ng Honda Cars Philippines, sa isang liham kay Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, inanunsiyo na ng Honda Motor Co. Ltd. Japan ang recall ng iba-ibang sasakyan ng Honda para sa second replacement ng front passenger airbag inflators.

Ang mga apektadong units ay ang Honda Accord 2003, Honda City ng mga taong 2003 hanggang 2009, Honda Civic ng mga taong 2001 hanggang 2009, Honda CRV ng mga taong 2003 hanggang 2009, at Honda Jazz ng mga taong 2002 hanggang 2009.

Ayon kay Balarbar, 14,074 units ang apektado at 9,696 sa mga ito ay ang Honda CRV.

Nagkaproblema sa paggawa ng mga airbag inflator at maaari itong mabutas pag kailangan na ito na maaaring ikapinsala ng pasahero.

“We deeply apologize for the situation,” sabi ni Balarbar. Pinalitan na ng Honda ang supplier nito ng airbag inflators.

Papalitan ng Honda Cars Philippines ang mga airbag inflator ng mga apektadong sasakyan nang libre sa 42 na mga authorized dealer nito.

Maaaring malaman kung apektado ang inyong sasakyan sa pagtatanong sa mga Honda dealer o sa pagtawag sa hotline 1-800-1000-46632 at 02-857-7240.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?