92

Dec 14, 2017 @ 17:32
By

14K pulis na tinurukan ng Dengvaxia, mino-monitor ng PNP

Aktibong mino-monitor ngayon ng Philippine National Police ang 14,000 pulis na binakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay PNP General Hospital Director Reimound, sa ngayon ay wala pang nagkakasakit sa mga pulis na tinurukan ng naturang gamot na umano’y delikado para sa mga hindi pa nagkakasakit ng dengue.

Nakipagdayalogo narin ang PNP sa mga crame-based na pulis at nagtatag na ng help desk ang PNP para kung magkaroon ng sintomas ang mga binakunahan, pwede nilang ireport dito.

Iniulat ni sales na ang vaccination ng mga pulis ay isinagawa noong Setyembre kasabay ng Police Service Annibersary.

Tiniyak naman ni PNP Chief Ronald bato dela Rosa na kung may mga pulis na magkakasakit dahil sa naiturok na bakuna, ay kanila itong ipapagamot. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?