13

May 2, 2021 @ 10:19

148M bakuna target dumating sa ‘Pinas

Aabot sa 148M bakuna kontra COVID-19 ang inaasahang dumating sa Pilipinas ngayong 2021.

Base ito sa COVID-19 vaccine tracker na hinanda ni Senador Sherwin Gatchalian.

Ngayong Mayo, hinihintay ang 2.6 milyong dose ng AstraZeneca vaccine, 2 million dose ng Sinovac, 194,000 dose mula Moderna, 3 million dose ng Sputnik V at 1 million dose mula COVAX facility, base sa timetable na ibinigay ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Buhat noong Pebrero, aabot na sa 4,040,600 ang total na bilang ng mga bakunang dumating sa Pilipinas.

Hinikayat din ni Gatchalian ang publiko na magparehistro para mabakunahan.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?