12

Nov 18, 2020 @ 17:20
By

143 nadagdag, COVID-19 survivor sa PH 374K na

374,666 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa sakit na new coronavirus sa Pilipinas

Ayon pa sa Department of Health ngayong Miyerkoles ng hapon, may 1,383 bagong nahawa at 95 bagong naitalang namatay mula sa COVID-19 sa bansa.

Kaya naman, akyat sa 412,097 ang mga nahawa sa nasabing respiratory illness, kabilang ang 29,474 active case.

Habang 7,957 naman ang namatay dahil sa coronavirus sa ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?