11

Jul 25, 2020 @ 9:45
By

140K empleyado ng SM sumalang sa COVID testing

Siniguro ng SM Investments Corp. (SMIC) na 140,000 empleyado mula sa kanilang mga supermarket, retail store, malls, at iba pang kompanya ay sumailalim sa COVID-19 testing bilang pagsuporta sa gobyerno laban sa pandemya.

Ayon sa SMIC, nagkaroon sila ng ilang rounds ng testing gamit ang rapid at RT-PCR test kit para sa kanilang mga tauhan.

“The group tests against COVID-19 regularly to assure the continuous delivery of its services to customers and to protect its workforce,” saad ng korporasyon

Bago pa man matapos ang enhanced community quarantine noong Hunyo, nagsimula na ang COVID-19 antibody rapid testing ng SMIC para sa mga frontliner, kasama na ang mga kanitor at security guard.

Bukod pa dito, regular din ang pagbibigay ng mga disinfectant, face mask at face shield sa mga empleyado.

Patuloy din ang pagsagawa ng safe distancing tuwing sila’y nasa trabaho, pati na rin ang pag-require sa pagsagot sa health check form kada araw.

Hindi lang sa kanilang mga empleyado tumutulong ang SM, nag-donate din ang kompanya ng P30 million halaga ng RT-PCR test kit, kung saan aabot sa 20,000 test ang masasagawa sa ilang testing center tulad ng UP-National Institutes of Health laboratory at ilang pang LGU sa Metro Manila, maging sa Baguio.

Bukod sa mga test kit, abot sa P300 million na mga personal protective equipment, medical equipment at facilities sa 150 ospital ang naipamahagi na ng S

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?