52

By

14-wheeler truck nang-araro sa Laguna, 6 patay

Sharing is caring!

Binawian ng buhay ang anim na katao matapos ang pagsalpok ng isang truck sa hanay ng mga kotse sa Sta. Rosa, Laguna.

Dalawa sa namatay ay pawang mga bata, samantalang 13 pa ang sugatan at kritikal matapos ang insidente.

Bukod sa lampas dosenang kotse na nadamay sa pamamangga ng truck, napuruhan din ang isang bakery at bahay sa gilid ng Sta. Rosa-Tagaytay Road.

Tumakas naman ang driver ng nasabing truck, ngunit isang ID na may pagkakakilanlan na Anthony Bernardo ang natagpuan sa loob nito.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang driver at hinihimok na sumuko na ito sa lalong madaling panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?