40

Jan 11, 2020 @ 16:06
By

14 Pinoy sa Middle East, iuuwi ng ‘Pinas

Nasa 14 na Pilipino mula sa Middle East ang magbabalik bansa sa gitna na rin ng tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, ibibiyahe ang mga evacuee mula Doha, Qatar patungong Maynila sa Linggo, Enero 12.

Kasalukuyan na raw nasa Philippine Embassy in Baghdad, Iraq ang unang batch ng mga evacuee.

Maaari pa aniya itong madagdagan.

Dagdag pa ng Defense chief, nasa Malta na ang Philippine Coast Guard ship na BRP Gabriela Silang para dalhin sa ligtas na lugar ang mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?