277

Nov 29, 2017 @ 12:55
By

14 NPA patay sa engkuwentro sa Batangas

Patay ang labinglimang miyembro ng New Peoples Army matapos makipagbakbakan sa militar sa Nasugbu, Batangas Martes ng gabi.

Ayon kay 202nd Infantry Brigade Commander Brigader General Arnulfo Burgos Jr. Alas -8:20 ng gabi kagabi ng mangyari ang matinding sagupaan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng NPA.

Nakarekober ng militar ng labing dalawang pirasong high-powered firearms sa pinangyarihan ng engkwentro.

Limang sundalo naman ang sugatan sa bakbakan at ngayon ay nasa stable condition na.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa mga rebelde sa lugar.

Kaugnay nito tiniyak naman Major General Rhoderick Parayno, ang Commander ng Army’s 2nd Infantry Division, na hindi sila titigil sa operasyon kontra sa NPA.

“This is in line with the president’s pronouncement that NPAs are terrorists. Your soldiers are more committed than ever to push harder and finally put an end to this insurgency in order to protect the Filipino people from fear and atrocities which the NPA terrorists plan to sow while ensuring the safety of our citizens in the area.” Sinabi ni Parayno. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?