35

Feb 17, 2020 @ 20:15
By

14 na inilikas ng US sa Japan cruise ship, nagpositibo sa COVID-19

Nagsimula na ang Amerika na mag-evacuate ng kanilang mga mamamayan sa Diamond Princess cruise ship na naka-quarantine sa Japan dahil sa coronavirus (COVID-19).

Sa kasamaang-palad, sa mahigit 300 US citizens na ililikas, 14 dito ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa New York Times.

Naghahanda na sanang bumalik ng United States sakay ng chartered aircraft ang mga naturang pasahero nang ipaalam ng mga US official na 14 sa mga ito ang infected ng virus.

Matapos ang naging konsultasyon sa Department of Health and Human Services, nagdesisyon pa rin ang US State Department na pasakayin ng eroplano ang 14 infected US citizens pero inihiwalay sila sa iba pang pasahero.

Nakatakdang lumapag sa US Air Force base sa California ang unang flight kung saan sasailalim ang mga pasahero sa 14 araw na quarantine.

Sa San Antonio, Texas base naman ang tungo ng ikalawang flight.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?