64

By

14-man PH lineup ni Guiao, ihahayag

Sa June ay inaasahang isusumite na sa PBA ni coach Yeng Guiao ang 14-man lineup na pipiliin niya para bumuo sa Team Pilipinas na isasabak sa 18th FIBA World Cup 2019.
Siklab ang torneo sa China sa Aug. 31-Sept. 15.
Posibleng tapikin ulit ni Guiao ang core na ginamit niya sa huling window ng Asian Qualifiers.
“Si coach Yeng, magsu-submit ng lineup bago mag-June, 14-man lineup,” pahayag ni commissioner Willie Marcial nitong Huwebes pagkatapos ng meeting ng PBA board.
“Tapos sabi niya, mga two to three lang ‘yung papalitan niya ‘dun sa core na naglaro sa Doha.”
Kapag nagsimula ang ensayo ng Nationals sa June ay inaasahang kasama na si naturalized Andray Blatche.
Sa mga buwan ng June at July ay kasagsagan na ng Commissioner’s Cup.
May go-signal na ng board ang two-to-three times-a-week na praktis sa June at July.
Ang hindi pa naaaprubahan ay ang hiling ni Guiao na araw-araw na ensayo sa August, dahil mas malamang na semifinals na ng susunod na conference.
Pinakamatagal, matatapos ang midseason conference sa Aug. 21, 10 araw bago ang World Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?