6

Feb 22, 2021 @ 9:10
By

14 lindol umuga sa Kanlaon

Naitala ang 14 lindol sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Bukod dito, ayon pa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Pebrero 22 bulletin nito, nagpakawala ang Kanlaon ng sulfur dioxide sa average na 587 tonelada kada araw noong Pebrero 17.

Ang SO2 emission ang nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometrong radius na permanent danger zone ng Kanlaon dahil may tsansa pa rin anilang sumabog ang bulkan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?