682

By

14 kandidato inendorso ng El Shaddai

Nasa 14 senatoriable umano ang susuportahan ng El Shaddai sa darating na May 13 elections.

Inanunsiyo ng Catholic charismatic group ang kanilang senatorial list na karamihan ay mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago, ilang independent at opposition candidates.

Nang tanungin kung bakit ang naturang mga kandidato ang pinili, sinabi ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde na naniniwala silang ang mga ito ang sasagot sa problema ng bansa gaya ng kahirapan, droga at kawalan ng trabaho.

Ang mga kandidato na nasa listahan ay sina:

Cynthia Villar

Bong Go

Bato Dela Rosa

Grace Poe

Imee Marcos

Nancy Binay

Koko Pimentel

Francis Tolentino

Sonny Angara

Bong Revilla

Jinggoy Estrada

JV Ejercito

Bam Aquino

Willie Ong

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?