19

Feb 13, 2018 @ 11:53

14 flights kanselado dahil sa bagyong Basyang

Kinansela ang ilang flights nitong Martes dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa Manila International Airport Authority, ang mga sumusunod ang hindi makakabiyahe dahil sa bagyo:

Philippine Airlines

2P 2967/2968 Manila-Butuan-Manila

2P 2557/2558 Manila-Dipolog-Manila

2P 2521/2522 Manila-Dipolog-Manila

Cebu Pacific Air

5J 621/622 Manila-Tagbilaran-Manila

5J 373/374 Manila-Roxas-Manila

5J 703/704 Manila-Cagayan-Manila

Skyjet

M8 421/422 Manila-Siargao-Manila

Sa abiso ng PAGASA, mapanganib ang maglayag sa mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone warning signal, sa baybayin ng Northern Luzon at Visayas, silangang baybayin ng Central Luzon, at silangan at timog na baybayin ng Southern Luzon dahil kay ‘Basyang’ at sa Hanging Amihan.

Ayon pa sa weather bureau, inaasahang lilisanin ni ‘Basyang’ ang Philippine Area of Responsibility sa Pebrero 16 pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?