129

Dec 26, 2017 @ 11:42
By

14-anyos patay sa gang war sa Port Area

Nauwi sa pananaksak ang matagal nang alitan sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa Port Area Maynila kagabi.

Sa naturang insidente ay napatay si Charles Edward Dacio, 14 taong gulang, at residente ng Habitat Baseco Compound, kasapi umano si Dacio sa Loyal Brotherhood — isang grupo ng mga kabataan sa Baseco.

Ayon sa MPD Homicide, kasama ng biktima ang ilan nilang miyembro nang abangan sila ng mga miyembro ng grupong Killer Performance o KPT sa Bonifacio Drive.

Tinatayang nasa dalawampung kabataan ang nag-abang sa grupo ng biktima, nagkaroon ng habulan hanggang sa masaksak ng tatlong beses sa dibdib si Dacio.

Naisugod pa siya sa Philippine General Hospital ngunit binawian ng buhay.

Hindi pa tukoy ng pulisya kung sino sa 20 miyembro ng KPT ang nakasaksak sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?