18

Jun 24, 2022 @ 16:23
By

14-anyos dedbol nang pagbababarilin sa Bacolod

Sawi ang isang 14-anyos na lalaki matapos itong pagbababarilin sa Abada Escay Zone 3, Barangay Vista sa Bacolod nitong Huwebes.

Ayon sa head ng Police Station 7 na si Police Capt. Elmer Bonilla, nasa labas ng kanyang bahay ang biktima dakong alas-10:35 ng gabi nang biglang dumating ang limang armadong lalaki sakay ng puting L300 van.

Sinubukan pang tumakbo ng biktima matapos makita ang mga suspek. Gayunpaman, naabutan pa rin siya ng mga ito.

Ilang beses binaril ng mga salarin ang biktima, hanggang sa mahulog ito sa isang creek.

Mabilis namang tumakas ang mga armadong lalaki.

Samatala, narekober ng pulisya ang mga basyo ng bala para sa isang kalibre .45 na baril at carbine rifle.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ang motibo sa pagpatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?