243

Oct 24, 2017 @ 17:27

14-anyos, bumida sa ‘takbuhan’ ng Batang Pinoy

VIGAN, Ilocos Sur — Nagpamalas ng kagila-gilalas na porma ang isang 14-anyos na anak ng karpintero sa pamamayagpag sa boys long jump at 100-meter dash sa Day 2 ng athletics pero pang-apat na araw na ng 11th Batang Pinoy 2017 Luzon Games sa magkakaibang playing venues dito kahapon.

May 30 minutes lang ang pagitan ng dalawang track and field events na nagpang-abot pa nga sa Pres. Elpidio Quirino Stadium sa The Heritage City of the Philippines na ito kaya nagkasabay ang sabakan ni Immaculate Concepcion Academy Grade Nine student Jason Jabol ng Dasmariñas City.

Pero tagumpay siya, lumundag muna ang pangsiyam sa 10 mag-uutol ng 6.18 meters sa first attempt para magtrangko bago iniwan ang buhanginan pa-track oval para sa pinale ng takbuhan kung saan pumrimera siya sa 11.35 seconds clocking.

Humihinga sa batok niya sa sprint race sina Claveland Joel Mallari ng Makati (11.52 secs.) at Kharl Berjuela (11.79s), habang nagkasya na lang sa LJ silver-bronze sina Angelo Lubustan (5.89m) at Joshua Malanum (5.88) ng kapwa Pangasinan.

“Nagsabay po ang dalawang event ko. Leading pa lang po ako sa long jump tapos itatakbo na ang 100m. Nasa magic eight po ako sa 100,” naghahabol pa sa kanyang hiningang 2015 Tagum Palarong Pambansa elem. div. quadruple gold winner na si Jabol pagkatawid ng meta. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?