26

Oct 31, 2018 @ 18:08
By

14 adik laglag sa mga operatiba

Labing-apat na mga pusher at user ng ipinagbabawal na gamot ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang sunod-sunod na drug operation sa Lungsod ng Navotas.

Unang naaresto sina Merline Ecarlan, 47-anyos at Ulysses Labahata, 44-anyos sa kahabaan ng Block 28, Phase II, Area 1, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod sa isinagawang buy-bust operation ng Station Anti-Illegal Drugs Unit, ganap na alas-kuwatro pasado ng hapon kung saan naging dahilan din ng pagkakaaresto sa dalawa pang sina Richard Catibog, 49-anyos at Joseph Ureta, 42-anyos na naaktuhan pang nagpa-pot session.

Ganap namang alas-7:40 ng gabi nang maaresto sa kahabaan ng Block 33-C, Lot 62, Phase II, Area 2 ng pareho ring lugar sina Roland Gimeo, 42-anyos, Mary Ann Buhat, 40-anyos at Rachelle Canete, 22-anyos.

Narekober sa kanila ang nasa apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu at isang .38 caliber na baril.

Alas-otso pasado naman ng gabi ang maaresto rin sa buy bust operation sa Block 3 Phase II Area 2 ng parehong lugar ang tatlong sina Elifracio Casero Jr., 46-anyos, Perry Silorio, 42-anyos at Normita Casero, 52-anyos, nakumpiska sa kanila ang tatlong plastic sachet ng shabu.

Ganap namang alas-sais ng gabi nang mahuli sa pot session sina Mercyflor Layson, 35-anyos, Rommel Alvarez, 35-anyos, Tirso Garcia, 47-anyos at Christopher Rivera, 40-anyos sa C4 Bridge, Barangay Bangkulasi ng nasabing lungsod.

Nagpapatrolya ang mga tauhan ng Navotas City Police Community Precinct 3 nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ipinagbigay-alam ang nagaganap na pot session sa isang barung-barong sa ilalim ng tulay.

Sa ngayon ay mga nasa kustodiya na ng Navotas City detention cell ang mga suspek na pawang mga nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?