53

By

13th month pay hindi lang pang regular na empleyado – Angara

Sharing is caring!

Mas malaki ang Christmas bonus at 13th month pay na maiuuwi ng mga empleyado ngayong Nobyembre hanggang Disyembre.

Sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, na dahil ito sa Republic Act 10963 na nag-uutos na huwag buwisan ang P90,000 na bahagi ng pinagsama-samang halaga ng Christmas bonus, 13th month pay at iba pang insentibo.

Matatandaan na noong 2015, P82,000 na pinagsama-samang halaga ng bonus at 13th month pay ang hindi pinabuwisan.

Napataasan iyon ni Angara mula sa P30,000 lamang na libre sa buwis noon.

Samantala’y nagpaalala si Angara na hindi lamang ang mga regular na empleyado ang dapat makakuha ng 13th month pay.

“Kahit mga contractual, casual, fixed term, probationary, seasonal employees ay dapat din makatanggap ayon sa ating Labor Code,” ani Angara.

Ang 13th month pay ay kailangang katumbas ng one-twelfth (1/12) ng sweldo sa bawat buwang ipinasok ng empleyado sa buong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?