126

13th month, matatanggap na ng SSS pensioners

Sharing is caring!

Matatanggap na umano ng 2.2 milyong pensiyonado ng Social Security System (SSS) ang kanilang 13th month at ang pensyon nila para sa buwan na ito sa pagitan ng Disyembre 4 at 8.

Sa isang pahayag, sinabi ni SSS president at CEO Emmanuel Dooc, nailabas na ang pondo para rito sa partner-banks nila noon pang Nobyembre 15.

Ang iba naman umanong bangko ay nakapag-release na ng 13th month at December pension na mas maaga sa Nobyembre 15.

Ang 13th month ay katumbas ng isang buwan na pensyon na natatanggap ng pensioner.

Samantala, sa unang bahagi ng 2018 ay iiimplementa na ng SSS ang Electronic Collection System o e-CS upang maging real-time ang posting ng contribution payments sa SSS branch tellering facilities at sa iba pang payment channels.

Ito’y upang mapabilis ang pagproseso nila ng mga claims, benepisyo at loans ng kanilang mga miyembro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?