49

By

13K mga nurse kailangan ng DOH – JV Ejercito

Nangangailangan ang pamahalaan ng karagdagang 13, 578 nurses na itatalaga sa mga government hospitals.

Sa ginanap na forum sa Quezon City, sinabi ni reelectionist Senator JV Ejercito, sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA), o 2019 budget, naglaan ng sapat na pondo para sa sweldo ng mga kukuning nurses at iba pang financial benefits na nagkakahalaga ng P 7 bilyon, sa ilalim ng Human Resources for Health (HRH) program ng DOH.

Nabatid na may 3, 627 nurses ang nagtatrabaho at nakatalaga sa mga ospital ng gobyerno.

“This year, the national budget allows for the hiring of 13, 578 more nurses for deployment in different DOH-retained hospitals, local government unit hospitals, rural health units, and barangay health stations,” ani Sen. Ejercito.

Aniya, sa kabuuan, kasama na ang 3, 627, magkakaroon ng 17, 205 nurses sa mga ospital na pinatatakbo ng gobyerno.

Si Ejercito, bilang chairman ng Senate Committee on Health and Demography at principal sponsor ng Universal Health Care law, ang nagsulong at tagumpay na makakuha ng alokasyon na P 7 bilyon para sa HRH sa ginanap na deliberasyon sa Senado para sa bduget bill.

“It’s like hitting two birds with one stone. First, the additional nurses will improve medical services in gov’t-run hospitals, and second, 13, 578 jobless nurses will be given gainful employments,” paliwanag ni JV.

Idinagdag pa ng reelectionist senator, bilang sponsor ng DOH budget, ay naglaan din sa GAA ng P1.5 bilyong pondo para sa Health Facilities Enhancement Program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?