15

Oct 14, 2021 @ 10:56
By

139 pulis tinalo COVID

Kasalukuyang 39,894 kawani na ng Philippine National Police (PNP) ang nakarekober mula sa COVID-19 matapos maitala ang 139 bagong gumaling nitong Huwebes.

Samantala, nadagdagan naman ng 97 ang bagong tinamaan ng virus.

Sa kabuuan, 41,089 parak na ang tinamaan ng COVID-19.

Nanatili namang sa 122 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang may 1,073 pulis na ang nagpapagaling mula sa COVID. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?