16

Jun 22, 2020 @ 20:44

13,800 senior sa Navotas nabigyan na ng pension

Naibsan ang pangunahing suliranin ng may 13,800 na senior citizen mula sa 18 barangay sa Navotas City, nang maibigay na ng pamahalaang lungsod ang kanilang buwanang pension.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, mula Enero hanggang June, umabot ng P3,000 ang natanggap ng bawat isa, habang mas malaki ang iba dahil nakuha na rin nila ang unpaid benefit noong 2019. Na-delay ang pagbibigay sa kanila ng P500 monthly pension dahil sa COVID-19 pandemic. Ang payout ay naka-iskedyul hanggang June 29 sa mga lugar na pinakamalapit sa mga benepisyaryo o kanilang mga kinatawan.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga senior citizens na huwag lumabas kung hindi naman kailangan dahil naka-community quarantine pa rin at delikado para sa kanilang kalusugan. (Orlan Linde)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?