76

By

1,372 nag-Laro’t Saya sa Parke

NASA 1,372 katao ang naki-Philippine Sports Commission 6th Laro’t Saya sa Parke 2018 Play and Learn Sports for Free nitong weekend sa tatlong lugar sa Metro Manila.

Sinabi ni PSC-LSP-PLSF Manila coordinator Julia ‘Dhole’ Llanto na 633 ang mga dumalo sa Burnham Green grounds ng Luneta Park. 301 ay sa zumba, 89 sa badminton, 88 sa volleyball, 37 sa sepak takraw, 32 sa chess, 31 sa lawn tennis, 30 sa football, 11 sa arnis, 9 sa karate at 5 senior citizen.

Pinahayag naman ni San Juan City coordinator Jeanette ‘Jean’ Bulda-Dinglasan na 443 ang nagsadya sa SJC hall-Pinaglabanan Shrine grounds noong Sabado na kinabibilangan ng 215 sa zumba, 98 sa athletics, 29 sa badminton, 26 sa arnis, 20 sa volleyball, 18 sa ground golf, 15 senior ctizen, 14 sa boxing at 8 sa chess.

At binanggit ni Quezon City coordinator Estrella ‘Yang’ Decano, na may 296 ang mga lumusob sa QC Memorial Circle grounds. May 229 ang nag-zumba, 16 ang nag-chess, 13 ang nag-volleyball, 11 ang nag-futsal, 11 ang senior citizen, 8 ang nagbadminton, 7 ang nagkarate, at 1 ang nag-arnis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?