59

May 25, 2020 @ 16:45
By

134 barangay official kinasuhan sa panloloko sa SAP

Umabot na sa 134 na opisyal ng barangay ang sinampahan ng kasong kriminal dahil sa iba’t ibang anomalya sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa Department of the Interior and Local Government nitong Lunes, karamihan ng kaso ay may kaugnayan sa paghahati ng cash aid, na mula P5,000 hanggang P8,000.

Ang iba naman ay dahil sa pagbubulsa ng bahagi ng SAP habang ang iba ay inuuna ang kapamilya sa cash subsidy.

86 pang barangay official ang kakasuhan pa ngayong linggo.

Nagbabala si Interior Sec. Eduardo Año sa mga barangay official na hindi matatakasan ng mga ito ang mga panlolokong ginawa sa pamimigay ng ayuda.

“Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” saad ni Año.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?