33

Jul 1, 2020 @ 14:33
By

13,330 litro ng gasolina, nakumpiska sa Masbate

Nahuli ng mga pulis ang 11 katao na nagbababa ng tinatayang P600,000 undocumented petroleum products sa port, Aroroy town sa Masbate province kaninang umaga.

Ayon kay spokesperson ng Bicol police Major Maria Luisa Calubaquib, huli sa akto sa pagdiskarga ng petroleum products mula sa tatlong pump boats sa Barangay Puro bandang ala-6:30 ng umaga.

Walang naipakitang dokumento ang pump boat operators.

Nakumpiska ang 13,330 liters ng gasoline na nagkakahalagang P528,804 at 1,860 liters ng diesel na umabot sa halagang P137,514.

Haharapin ng mga suspect ang kasong violation of Presidential Decree No. 1865 for illegal possession, sale, distribution, transportation, trading of petroleum products.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?