11
Online Gambling
By

133 Tsekwa huli sa online gambling sa Ilocos Sur

Sharing is caring!

Matapos ang ilang araw na surveillance, sinalakay ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti Cyber Crime Group (PNP-ACCG) mula sa Camp Crame, ang pinagdarausan ng iligal na operasyon ng online gambling at naaresto ang may 133 Chinese national sa Ilocos Sur.

Ang sinalakay ay ang compound sa Barangay Bayubay Sur na pag-aari ng negosyanteng si Cherry Forges at nadakip ang 26 na mga Tsekwa.

Kasunod namang ni-raid ng mga operatiba ng PNP-ACCG ang isang lugar sa Barangay Nagtupacan na pinagdarausan din umano ng online gambling na pag-aari naman ng isang nagngangalang Jack Chan at naaktuhan pa dito ang 43 Intsek.

Sa nasabing bayan din nadakip ang 64 pang Chinese national na nagsasagawa rin ng iligal na sugal sa pamamagitan ng online.

Nakumpiska ng mga pinagsanib na operatiba ng PNP-ACCG, Chinese police, Special Action Force, Bureau of Immigration at PNP-San Vicente ang mga gamit sa online gambling gaya ng mga telepono, routers, cellphones, laptop, SIM cards, washing machines, generators at iba pang pang-araw-araw na gamit pati na mga pagkain.

Ang mga naarestong Intsek ay pansamantalang ipiniit sa detention cell ng PNP habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito, habang ang iba pang mga dayuhan na dinakip ay itinurn-over sa Immigration para pabalikin sa kanilang bansang pinagmulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?