20
Bureau of Immigration
By

133 dayuhan, hinarang makapasok sa PH

Sharing is caring!

Ang mga pasaherong Chinese ang nangunguna sa listahan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang hindi pinayagang makapasok sa bansa dahil sa hindi magandang asal.

Sa kabuuang 133 na mga dayuhan na hindi pinapasok sa bansa dahil sa pambabastos sa immigration officers, 37 dito ay Chinese nationals, 25 ay Americans at 23 Koreans.

Ang naturang mga dayuhan ay agad ding inilagay sa blacklist ng BI at hindi na sila papayagang makapasok sa bansa.

Nagpaalala naman ang BI sa mga dayuhan na irespeto ang mga awtoridad sa Pilipinas para hindi sila maharap sa problema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?