5

By

131 OFWs mula sa Kuwait, nakauwi na rin

Sharing is caring!

Nakabalik na rin sa bansa kagabi ang panibagong batch ng mga overseas filipino Worker na galing sa Kuwait.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) alas-10:40 kagabi nang dumating ang mga overstaying at undocumented OFWs sakay nang Qatar Airways Flight 928.

Nabatid na 300 ang orihinal na bilang ng mga uuwi sanang OFWs pero ang iba sa kanila ay hindi na nagpakita at ang iba naman ay may kaso pa sa Kuwait.

Bago nito, pasado alas-3:30 ng hapon kahapon ay nakauwi na rin ang nasa 116 OFWs sakay naman ng Etihad Flight 424.

Nag-alok ang gobyerno ng repatriation sa mga OFWs sa Kuwait matapos ikagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakadiskubre ng bangkay ng Filipina domestic worker na si Joanna Daniela Demafelis sa loob ng freezer ng kanyang amo.

Binibigyan ang mga umuwing OFWs ng tig-P5,000 cash at P20,000 na livelihood assistance mula sa OWWA at P5,000 din bukod sa mga groceries mula sa Department of Foreign Affairs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?