9

Sep 9, 2021 @ 16:40
By

130 Pinoy abroad tinamaan ng COVID

Naitala ng Department of Foreign Affairs ang 130 bagong Pinoy sa ibang bansa na nasapol ng COVID-19.

Batay sa kanilang datos na inilabas nitong Lunes, 287 Pinoy ang gumaling mula sa virus habang 7 naman ang nasawi.

Sa kabuoan, 23,036 Pinoy na sa ibang bansa ang nagpositibo sa COVID — 13,215 dito ang nakarekober at 1,376 naman ang natsugi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?