59

By

130 katao huli sa droga, ilegal na baril sa Laguna

Arestado ang nasa 130 crime suspects sa naganap na simultaneous operations ng kapulisan na ginawa sa loob ng 24 oras sa lalawigan ng Laguna, saad ng mga awtoridad ngayong Biyernes (Abril 12).

Ayon sa tagapagsalita ng Laguna Police na si Police Major Jojo Sabeniano, 83 sa 130 suspek ay sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga.

Na-aresto ang mga suspek sa pamamagitan ng buy-bust operations at pag-issue ng warrant of arrest sa naganap na police campaign na tinatawag na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) na natapos nitong Huwbes ng gabi.

Hindi katulad ng mga nagdaang SACLEO na nagresulta sa pagkamatay ng maraming suspek sa shootouts, isa lamang na hinihinalang drug pusher ang napatay sa naganap na SACLEO kamakailan, saad ni Sabeniano.

Napatay si Reynaldo Genapaga matapos na di umano’y manlaban nang arestuhin ito sa Barangay San Antonio, Binan City dakong alas-12 ng madaling araw ng Miyerkoles.

Narekober ng mga pulis mula kay Genapaga ang kalibre .38 baril at anim na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P182, 900.

Ang iba pang mga suspek ay nahuli sa ilegal na sugal, possession of loose firearms, at iba pang paglabag sa batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?