0
views
Abante-TnT-buy-bust
By

13 user at pusher, tiklo sa buy-bust ops sa Marikina

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng 13 katao sa ikinasang drug buy bust operation ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit, kamakalawa ng gabi Twin River Subdivision, Barangay Parang, Marikina City.

Batay sa report, ikinasa ang buy bust operation bandang 10:50 kamakalawa ng gabi sa isang pinagkukutaang bahay na kung saan ay doon isinasagawa ang kanilang pot session at positibong nasa lugar ang kanilang tulak na target na si Alyas Sandy sa 76 Kaolin St. Twin River Subdivision, sakop ng Barangay Parang.

Kinilala ni PSI Greco Gonzales, head ng drug enforcement unit ng Marikina Police, ang mga naaresto na sina Andres Manlutac alyas Sandy, 50 anyos; Niko Ramos, 25 anyos; Roberto Ordoñez alyas Bobby, 40 anyos; Vertrini Palis alyas Bert, 50 anyos; Norbert Dela Cerna alyas Jojo, 36 anyos; Carlos Hipolito alyas June, 37 anyos; Jemie Bautista, 45 anyos; Allaine June Lacap, 36 anyos; Georlyn Mascarenas, 34 anyos; Claire Penaso, 39 anyos; Mary Ann Sevilla, 24 anyos; Daniel Samson, 26 anyos at John Michael Santiago, 23-anyos, pawang mga residente ng Marikina City.

Isang pulis ang umaktong bibili ng droga at positibong naaktuhan ang mga suspek na nagpa-pot session at doon na nalambat ang 13 mga tulak at gumagamit ng illegal na droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang 12 pakete ng pinaghihinalaang shabu, P500.00 buy bust money at drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell habang inaayos ang mga kasong paglabag sa Sec 26, Sec 5, Sec 11, Sec 13 at Sec 14 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?