17

Jul 19, 2021 @ 20:42

13 todas sa sumambulat na fuel tanker

Labintatlong katao ang nasawi patay matapos sumabog ang isang petrol tanker sa western Kenya.

Ayon sa report, bago ang pagsambulat ay nakabanggaan pa ng tanker truck ang isang sasakyan sa highway sa pagitan ng Kisumu at Busia.

Agad namang nirespondehan ang natapong fuel at sinubukan pang sipsipin ang tagas gamit ang equipment pero sumabog pa rin ito at lumikha ng higanteng apoy.

Nabatid na bukod sa nasawi ay 24 katao pa kabilang ang ilang bata, ang naratay sa ospital matapos magtamo ng matinding paso at lapnos.

Hanggang ngayon ay patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?