89

Jan 23, 2021 @ 11:15
By

13 todas sa engkwentro ng pulis vs isang grupo sa Maguindanao

Patay ang 13 katao matapos maganap ang isang engkwentro sa pagitan ng pulisya at isang grupo sa Sultan Kudarat, Maguindanao kaninang madaling araw.

Kabilang sa mga naitalang nasawi ang isang pulis at isang dating barangay kapitan na may kinahaharap na kasong kriminal.

Kinilala ang kapitan bilang si Datu Pendatun Kato Talusan.

Ayon sa ulat, hahainan sana ng arrest warrant si Taslusan nang biglang mangyari ang engkwentro.

Ito ay dahil nahaharap sa mga kasong carnapping, robbery with homicide, double frustrated murder at illegal possession of firearms ang nasabing barangay kapitan.

Isinugod naman sa Cotabato Sanitarium hospital ang ibang pulis na nasugatan sa insidente.

Kasalukuyang nakasara ang Cotabato-Davao Road dahil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?